ILAW NG AKING BUHAY
Magandang araw sa inyong lahat! Ako po si Krista Abegail E. Fontanilla, naririto po ulit ako para kwentuhan kayo tungkol sa aking napakamamahal na ina.
Tinuruan niya ako na laging gawin ang lahat ng aking makakaya, upang tratuhin ang lahat ng tao nang pantay-pantay, at huwag sumuko kapag nahihirapan. Pinapaalala niya palagi kung gaano kahalaga ang pamilya at ang pagtatapos ng pag-aaral. Tinuruan niya ako kung ano ang tama at mali at ang kahalagahan ng paggalang sa aking sarili.
Siya ang aking ina, ang pinakamalaking impluwensya sa buhay ko. Hindi lamang bilang isang ina kundi pati na rin bilang isang kaibigan.
Tinulungan niya akong mapagtanto na ako ay sapat na matalino upang mapasama sa Philippine Science High School. Nakatulong sa akin ang pakikipag-usap sa aking ina. Hindi lamang dahil binigyan niya ako ng magandang payo ngunit dahil nakikipag-usap siya sa akin tulad ng isang kaibigan, nauunawaan niya ang aking mga nararamdaman.
Ang isang ina ay ang pinakamatalik na kaibigan na maaaring hilingin ng sinuman. Tinuruan ako ng aking ina na maging masaya at tapat sa sarili ko, siya ang nagpapayo sa akin palagi na huwag ko nalang pansinin ang mga masasamang sinasabi ng aking mga kaklase at kaibigan. Pinalaki niya ako at aking mga kapatid na may respeto, at pagmamahal sa Diyos at kapwa tao. Noong bata pa ako, araw-araw siyang nagbibigay ng oras sa pagdadasal para sa akin at aking mga kapatid.
Hindi ko nakakasama araw-araw ang aking ina dahil isa siyang guro na nagtuturo malayo sa aming siyudad ng Dapitan. Magkasama kaming nagbabyahe tuwing Lunes upang mahatid ako ng aking ama at ina sa Dipolog City Sports Complex at hinahatid naman ng aking ama ang aking ina sa eskwelahang tinuturuan niya. Tuwing Biyernes, umuuwi ang aking ina upang makasama kami ng aking mga kapatid ng dalawang araw. Kahit ganito, nagkakaroon padin ng oras ang aking ina para sa akin at aking mga kapatid.
Malaki ang pasasalamat ko sa Diyos na binigyan niya ako ng isang ina na responsable, matulungin at mapagmahal. Wala na akong mahihiling na iba bukod sa aking ina, ama, mga kapatid at mga totoong kaibigan, sila ay naging parte na ng aking buhay at hindi ko kaya na mawala sila sa akin kailanman. Bihira kong nasasabi sa aking ina na mahal ko siya pero sana alam niya na sobra ang pagmamahal ko sa kanya. Labis ang pasasalamat ko sayo mommy sa lahat ng ginawa mo para sa amin, sana hindi kayo magsawang mahalin at alagaan kami. Mahal na mahal ko ang aking pamilya, at sila ang pinakamahalagang kayamanan na ipinagmamalaki ko.
Dito na po magtatapos ang aking kwento ngayong linggo, sana nagustuhan niyo. Maraming salamat at magandang araw!

Comments
Post a Comment