PAHINA NG AKING BUHAY



             Magandang araw sa inyong lahat! Ngayong araw ay pag-uusapan natin ang tungkol sa isang tao na palaging nandyan para sa akin, walang iba kundi ang aking sarili.


     Isa akong masayahing bata na puno ng pangarap at pagmamahal. Marami akong kaibigan na sumusuporta at nakakaintindi sa akin. Palagi ko lang nakikita ang positibong bahagi ng isang bagay o tao. Hindi ako sumusuko kahit gaano pa kahirap ang mga pangyayari.

     Sino bang inuuto ko? Syempre lahat ng iyan ay biro lang. Kabaliktaran ng mga binanggit ko ang aking sarili. Sa totoo lang, hindi ko na rin kilala ang aking sarili. Nasaan na ba yung Abby noon? Bakit ba ako nagbago? Ano ba talagang meron sa akin?

     Isa akong bata na hindi gugustuhin ng marami na maging kaibigan nila, kaya walang nagtatagal na kaibigan ko. Mas naaliw akong nag-iisip ng mga negatibo tungkol sa iba't ibang bagay. Hindi ko rin alam kung ano ba talaga ang gusto ko sa buhay. Malamang palagi niyo akong nakikitang nakangiti at naririnig ang aking malalakas na tawa, pero lahat ng iyon ay palabas lang upang matakpan ang malungkot na bahagi ng aking buhay. Noon, lubos akong nagtiwala sa mga tao sa aking paligid kaya lubos din akong nasaktan nang sirain nila ang tiwala na binigay ko, kaya malaki ang pinagbago ko ngayon. 


     Sa totoo lang, mabait ako na tao. Mabilis akong magpatawad kahit gaano pa kalaki ng kasalanan sa akin. Hindi marami ang aking mga kaibigan ngunit kapag nakikita kong masaya sila, masaya na rin ako. Madali akong maawa sa mga hayop at matatanda, ako yung tipo ng tao na gustong-gusto ko silang isama sa akin pauwi ng bahay upang maalagaan ko sila ng maayos at upang hindi na sila masaktan at mahirapan. Mahilig ako sumayaw at kumanta kapag mag-isa lang ako dahil walang huhusga sa akin, alam ko kasi na hindi maganda ang aking boses at hindi ako magaling sumayaw. 

     Paborito ko ang itim at puti na kulay kasi sinisimbolo nito ang aking buhay na puno ng kasiyahan at kalungkutan. Hindi natin alam kung kailan tayo mawawala sa mundong ito kaya gabi-gabi kong tinitingnan ang mga butuin sa langit sapagkat para sa akin ay ang mga bituin ang pinakamagandang bagay sa mundo, at gusto ko na ito ang huli kong makikita bago ako matulog dahil walang kasiguraduhan na magigising pa ako kinabukasan.
   

     Ako nga pala si Krista Abegail Fontanilla, labintatlong taong gulang at isang iskolar sa Philippine Science High School. Ang aking mga magulang ay sina Lorenzo Fontanilla at Erlinda Fontanilla, at ang dalawang mga nakakatandang babaeng kapatid ko ay sina Christine June Fontanilla at Kristianne May Fontanilla. Nakatira kami sa lungsod ng Dapitan kung saan ako nakapagtapos ng elementarya. 

     Sa totoo lang, isang pahina lang ito ng aking bahay. Lahat tayo ay may sariling libro ng ating buhay at may iba't ibang tamang oras at panahon ang bawat pahina na buksan at basahin. 



             Maraming salamat sa pagbabasa ngunit kinalulungkot kong sabihin na ito na aking huling kwento. Sana ay nagustuhan niyo. Paalam!

Comments

Popular posts from this blog

PAGKAKAIBIGAN

Linggo ng Pagkakaisa