PAGKAKAIBIGAN

    Magandang araw sa inyong lahat, ako po si Krista Abegail E. Fontanilla at may ikukwento ako sainyo.



          Naisip ko noon, kailangan ba talaga natin ng kaibigan? Hindi paba sapat ang ating mga magulang at kapatid? 

          Mahirap mabuhay sa mundo na wala tayong kakampi. Maliban nalang sa ating pamilya, kailangan din natin ng isang tapat na tao na tinatawag nating kaibigan. Sabi nga nila na maswerte raw ang isang tao kapag may tunay siyang mga kaibigan sa kanyang buhay.
 


          Mula noong unang baitang pa ako, wala masyado akong kaibigan, meron lang akong kakilala na dalawa o tatlong kaklase pero hindi ko tinuturing na kaibigan kasi madalang naman kaming nakakapag-usap. Hindi naman sa hindi ako palakaibigan, wala lang talagang gustong makipagkaibigan sa akin. Palagi akong inaaway, at nagsasabi sila ng masasamang bagay tungkol sa akin. Ewan ko ba kung bakit nila ako inaaway, baka ganun na talaga ang ugali nila o baka ganun nalang kalaki ang galit nila sa akin. Nasanay na ako na ganun ang mga taong nakakasama ko sa loob ng silid-aralan, araw-araw akong mag-isa at walang nakakausap na kaibigan. Noong umabot na ako sa ikatatlong baitang, meron na akong naging mga kaibigan noon. Lima o anim lang ata sila na kaibigan ko noon, nakakasama ko sila kumain ng tanghalian at kagrupo ko din sila.



          Noong nasa ikaanim na baitang na ako, masasabi ko talaga na marami na akong naging kaibigan noon. Oo, inaamin ko rin na meron din akong mga pekeng kaibigan pero tinuturing ko narin sila na aking kaibigan kasi hindi ko naman mababago ang iniisip nila tungkol sa akin. Kahit hanggang ngayon, meron parin sa aking mga kaklase sa sekyon diamante na parang kaibigan ko kung nakaharap sa akin at pekeng kaibigan pala kapag ako ay nakatalikod. Sanay na ako sa ganyan kaya hindi ko na masyadong iniintindi, pina-uubaya ko nalang ito sa ating Diyos. Alam ko naman na palaging nakatingin ang Diyos. 



          Masasabi ko nga na maswerte ako dahil meron akong nakilala na totoong mga kaibigan sa aking buhay, hindi man sila marami pero sapat na sila para sa akin. Nasasabihan ko sila ng mga masasaya at malulungkot na pangyayari sa aking buhay. Kung may problema man ako, sila ang palaging nasasabihan ko at hindi sila nabibigo na pasayahin ako upang makalimutan ko ang aking problema. Maliban sa aking pamilya, ang mga kaibigan ko rin ang nakakaintindi sa akin. 



          Ang totoong kaibigan ay isang pamilya na dapat din natin pahalagahan at bigyan ng pagmamahal. Ang aking pamilya at mga kaibigan ang inspirasyon ko sa buhay at kasama rin sila sa aking mga pangarap.



          Malaki ang pasasalamat ko sa ating Panginoong Diyos na palaging gumagabay sa akin sa anumang desisyon ko sa buhay, nagpapasalamat ako dahil binigyan niya ako ng pagkakataon na makilala ang mga kaibigan ko ngayon na tinuturing ko naring mga kapatid. Hindi ko man nasasabi sa kanila na mahal ko sila, pero alam ko naman na alam na nila 'yon.



    Hanggang dito nalang po at sana meron kayong natutunan sa aking kwento ngayong linggo.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

PAHINA NG AKING BUHAY

Linggo ng Pagkakaisa