Posts

Showing posts from April, 2018

PAHINA NG AKING BUHAY

Image
             Magandang araw sa inyong lahat! Ngayong araw ay pag-uusapan natin ang tungkol sa isang tao na palaging nandyan para sa akin, walang iba kundi ang aking sarili.      Isa akong masayahing bata na puno ng pangarap at pagmamahal. Marami akong kaibigan na sumusuporta at nakakaintindi sa akin.  Palagi ko lang nakikita ang positibong bahagi ng isang bagay o tao. Hindi ako sumusuko kahit gaano pa kahirap ang mga pangyayari.      Sino bang inuuto ko? Syempre lahat ng iyan ay biro lang. Kabaliktaran ng mga binanggit ko ang aking sarili. Sa totoo lang, hindi ko na rin kilala ang aking sarili. Nasaan na ba yung Abby noon? Bakit ba ako nagbago? Ano ba talagang meron sa akin?      Isa akong bata na hindi gugustuhin ng marami na maging kaibigan nila, kaya walang nagtatagal na kaibigan ko. Mas naaliw akong nag-iisip ng mga negatibo tungkol sa iba't ibang bagay. Hindi ko rin alam kung ano b...

ILAW NG AKING BUHAY

Image
    Magandang araw sa inyong lahat! Ako po si Krista Abegail E. Fontanilla, naririto po ulit ako para kwentuhan kayo tungkol sa aking napakamamahal na ina.           Tinuruan niya ako na laging gawin ang lahat ng aking makakaya, upang tratuhin ang lahat ng tao nang pantay-pantay, at huwag sumuko kapag nahihirapan. Pinapaalala niya palagi kung gaano kahalaga ang pamilya at ang pagtatapos ng pag-aaral. Tinuruan niya ako kung ano ang tama at mali at ang kahalagahan ng paggalang sa aking sarili.           Siya ang aking ina, ang pinakamalaking impluwensya sa buhay ko. Hindi lamang bilang isang ina kundi pati na rin bilang isang kaibigan. Tinulungan niya akong mapagtanto na ako ay sapat na matalino upang mapasama sa Philippine Science High School. Nakatulong sa akin ang pakikipag-usap sa aking ina. Hindi lamang dahil binigyan niya ako ng magandang payo ngunit dahil nakikipag-usap siya sa akin tulad ng isang kaibigan, nauun...

PAGKAKAIBIGAN

Image
    Magandang araw sa inyong lahat, ako po si Krista Abegail E. Fontanilla at may ikukwento ako sainyo.           Naisip ko noon, kailangan ba talaga natin ng kaibigan? Hindi paba sapat ang ating mga magulang at kapatid?            Mahirap mabuhay sa mundo na wala tayong kakampi. Maliban nalang sa ating pamilya, kailangan din natin ng isang tapat na tao na tinatawag nating kaibigan. Sabi nga nila na maswerte raw ang isang tao kapag may tunay siyang mga kaibigan sa kanyang buhay.             Mula noong unang baitang pa ako, wala masyado akong kaibigan, meron lang akong kakilala na dalawa o tatlong kaklase pero hindi ko tinuturing na kaibigan kasi madalang naman kaming nakakapag-usap. Hindi naman sa hindi ako palakaibigan, wala lang talagang gustong makipagkaibigan sa akin. Palagi akong inaaway, at nagsasabi sila ng masasamang bagay tungkol sa akin. Ewan ko ba kung bakit nila ako ina...