Linggo ng Pagkakaisa





Magandang araw sa inyong lahat! Ako si Krista Abegail E. Fontanilla,
labintatlong taong gulang at isang iskolar ng Philippine Science High School sa rehiyon ng Zamboanga. Taos-puso kong ibabahagi sa inyo ang aking talaarawan sa loob ng kampus namin.




Lahat ng ibabahagi ko sa araw na 'to ay tungkol sa aking mga natutunan sa eskwela ngayong linggo at sa isang pangyayari na higit na nagbigay sa akin ng aral.

Uunahin ko na ang Agham, tinalakay namin ang tungkol sa iba’t ibang uri ng lupa. Naghukay ako ng lupa kasama ang aking mga kagrupo at nilagay namin iyon sa bote at meron din sa plastik na bag. Nilagyan namin ng tubig ang bote at nilagay namin ito sa lugar na madali lang makita ng mga tao. Araw-araw namin itong sinusuri at inoobserbahan upang malaman namin kung ano ang mangyayari sa lupa na may kasamang tubig. Tinuruan kami ng maigi ni G. Luzon kung paano matutukoy ang iba’t ibang uri ng lupa. Nilagay namin sa aming palad ang lupa at nilagyan ng konting tubig upang ito ay mabasa-basa para hindi kami mahirapan sa paghuhugis nito ng bilog.

Mabait at magaling magturo ang guro namin sa matematika na si Bb. Bacara. Konti lang ang naturo niya sa linggong ito kumpara sa nakaraang linggo, tinalakay namin ang tungkol sa “Factoring” kung saan inuugnay namin ito sa nakaraan naming paksa na tungkol sa “Special Products”. Pito ang naturo ni Bb. Bacara na pamamaraan sa “Factoring” at may natitira pang dalawang paraan na tatalakayin namin sa susunod na linggo.


Sa linggong ito, marami din akong natutunan sa asignatura namin sa Filipino. Ang paksa namin sa Filipino ay tungkol sa pang-abay at ang unang labindalawang mga uri nito. Ano nga ba ang pang-abay? 



Image result for pang abay logo



Unang labindalawang uri ng pang-abay:
1. Pamaraan
2. Pamanahon
3. Panlunan
4. Pang-agam
5. Panggaano
6. Panang-ayon
7. Pananggi
8. Panulad
9.
Kundisyunal
10. Kusatibo
11. Benepaktibo
12. Pangkaukulan

 
Marami akong natutunang paksa sa mga asignatura ngayong linggo, pero mas tumatak sa aking isip ang isang leksyon na hindi ko makakalimutan. Noong biyernes, binigyan kami ng pagkakataon ng mga guro na magkaroon ng munting salu-salo upang magkaisa kaming magkaklase sa seksyon ng diamante, isang pangyayari na nagbigay ng aral sa akin tungkol sa kahalagahan ng dalawang bagay. Natutunan ko na dapat natin respetuhin ang bawat ugali
ng kahit sino at dapat hindi natin sila husgahan kaagad dahil sa kanilang mga nakasanayang gawain. Natutunan ko rin na isipin lamang ang mga positibo tungkol sa isang tao at iwasan ang pag-iisip ng mga negatibo nilang personalidad. Sa ganitong paraan, mapapanatili natin ang pagkakaisa at pag-uunawaan ng bawat tao sa isang bahay, paaralan, o kumonidad.

Image may contain: flower, text and nature

Dito na magtatapos ang talaarawan kong ito, at sana may natutunan din kayo. Magkukwentuhan ulit tayo sa susunod na linggo, ako po ulit si Krista Abegail E. Fontanilla.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

PAGKAKAIBIGAN

PAHINA NG AKING BUHAY