Posts

Showing posts from March, 2018

Linggo ng Pagkakaisa

Image
Magandang araw sa inyong lahat! Ako si Krista Abegail E. Fontanilla, labintatlong taong gulang at isang iskolar ng Philippine Science High School sa rehiyon ng Zamboanga. Taos-puso kong ibabahagi sa inyo ang aking talaarawan sa loob ng kampus namin. Lahat ng ibabahagi ko sa araw na 'to ay tungkol sa aking mga natutunan sa eskwela ngayong linggo at sa isang pangyayari na higit na nagbigay sa akin ng aral. Uunahin ko na ang Agham, tinalakay namin ang tungkol sa iba’t ibang uri ng lupa . Naghukay ako ng lupa kasama ang aking mga kagrupo at nilagay namin iyon sa bote at meron din sa plastik na bag. Nilagyan namin ng tubig ang bote at nilagay namin ito sa lugar na madali lang makita ng mga tao. Araw-araw namin itong sinusuri at inoobserbahan upang malaman namin kung ano ang mangyayari sa lupa na may kasamang tubig. Tinuruan kami ng maigi ni G. Luzon kung paano matutukoy ang iba’t ibang uri ng lupa. Nilagay namin sa aming palad ang lupa at nilagyan ng konting tubig upa...